Copy Link
Add to Bookmark
Report

Hexfiles Issue 4 File 020

eZine's profile picture
Published in 
hexfiles
 · 3 months ago

  
HEX-FILES No. 4 File 020
ÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍÍ


My profuse apology to all readers who could not read nor understand
Pilipino. This open letter is meant for Filipinos, wherever they may
be in this world we live in.


Isang Paanyaya


Mga kapatid,


Ang lathalaing ito ay hindi lamang para sa aking sariling gamit
kundi pati na rin sa inyo. Ito ay bukas sa inyong lahat at malugod ko
kayong inaanyayahang makilahok sa proyektong ito.


Kung mayroon kayong likhang bayrus at nais ninyo itong
mailathala, ipadala ninyo sa akin ang mga sumusunod:

1. Ang orihinal na programa ng inyong bayrus;

2. Ang unang henerasyon ng inyong bayrus o di kaya ay isang
inpektadong programa;

3. Ang paraan ng pagkompayl ng inyong programa at kung ano ang
ginamit sa pagkompayl;

4. Isang artikulo tungkol sa inyong likhang bayrus upang
maipahatid ninyo ng wasto ang ibig gawin ng inyong likha.
Ito ay kung nais ninyo lamang; at

5. Mga bagay bagay tungkol sa iyo;

a. Totoo mong pangalan, ito ay kung nais mo lamang;

b. Pangalan o bansag na gusto mong makilala ka;

k. Ang iyong tirahan, ang bayan/siyudad o lalawigan lamang;

d. Ang e-mail address mo;

e. Saan ka nagaaral, ito ay kung ikaw ay nagaaral pa;

g. Kinaroroonan ng iyong paaralan, para sa mga nagaaral;

h. Mga nasulat mo ng programang bayrus. Anu-ano ito,
naipalabas na ba ito, kailan ito naipalabas, at saan ito
inilabas; at

i. Pagpapahintulot sa paglathala ng mga sumusunod:

Tirahan permanente ___ Oo ___ Hindi
E-mail address ___ Oo ___ Hindi
Paaralan ___ Oo ___ Hindi
Pook ng paaralan ___ Oo ___ Hindi

Ang tunay mong pangalan ay hindi kailanman mailathala at ako
lamang ang makakaalam nito. Subalit kung ang totoo mong pangalan at
ang pangalan na gusto mong makilala ay iisa, nangangahulugang ito ay
pinahihintulutan mo. At isa pa, ay kung tuwiran mong pinahihintulutan
ang pagpapalathala ng iyong pangalan. Kung magbibigay kayo ng tunay
ninyong pangalan, makakaasa kayo na walang ibang makakaalam nito
kahit ano pa man ang mangyari.

Ang nilalaman ng "b" ay ilalathala bilang may akda ng inyong
bayrus. Ang nilalaman naman ng "h" ay ilalathala maliban na lang kung
sabihin mo na hindi maaari.

Ang e-mail address mo ay kinakailangan upang makumpirma ko na
ikaw nga ang nagpadala nito at ng makaiwas tayo sa hindi kanais-nais
na mga pangyayari, kung sakali. Kung wala kang e-mail address, maaari
kang kumuha ng libreng e-mail address tulad ng sa pinoymail
(www.pinoymail.com) at hotmail (www.hotmail.com). Marami pang ibang
nagbibigay ng ganitong libreng serbisyo at magtanong-tanong lamang
kayo kung saan ito matatagpuan.


Inaanyayahan ko rin kayong magpadala ng mga artikulo, sa wikang
Ingles, tungkol sa kahit ano na may kinalaman sa bayrus. Kailangan ko
rin ang inyong tunay na pangalan (kung nais mo lamang), ang bansag o
pangalan na gusto mong makilala ka, at ang iyong tirahan. Ang e-mail
address mo ay kinakailangan din para sa kumpirmasyon.


At ang panghuli, kung mayroon kayong kopya ng bayrus na gawa
dito sa ating bansa o di kaya ay sa palagay ninyo ay dito gawa sa
atin at wala pa nito sa koleksiyon ng HEX-FILES, maaari po lamang na
padalhan ninyo ako ng kopya nito upang makumpleto ang talaan ng PhVx.


Ang mga ito ay maipapadala ninyo sa HEX-FILES sa pamamagitan ng
ng e-mail. Maari lamang na ikompres ninyo ang inyong ipapadala sa
pamamagitan ng kompresyon pormat na "zip" at ipadala ninyo ito bilang
"attachment" ng inyong e-mail sa:

phvx@hotmail.com


Kung kayo ay may katanungan o ano pa mang gustong malaman
tungkol sa HEX-FILES, maaaring ipaabot lamang ito sa akin sa e-mail
address na nakasaad sa itaas.

Ako ay umaasa sa inyong pagtugon sa aking paanyaya.


Mabuhay kayong lahat.


Lubos na Sumasainyo,

Putoksa Kawayan
HEX-FILES





-=<HF4>=-

← previous
next →
loading
sending ...
New to Neperos ? Sign Up for free
download Neperos App from Google Play
install Neperos as PWA

Let's discover also

Recent Articles

Recent Comments

Neperos cookies
This website uses cookies to store your preferences and improve the service. Cookies authorization will allow me and / or my partners to process personal data such as browsing behaviour.

By pressing OK you agree to the Terms of Service and acknowledge the Privacy Policy

By pressing REJECT you will be able to continue to use Neperos (like read articles or write comments) but some important cookies will not be set. This may affect certain features and functions of the platform.
OK
REJECT